Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Lahar Victim

Ako ay 5 years old palang ng rumagasa ang lahar sa Lugar namin sa Bacolor, Pampanga. Tandang-Tanda ko pa ang mga nangyari, Oct. 4, 1995 ng naganap yun. Di mabubura sa isip ko ang trahedyang halos ikamatay na namin ng mga magulang ko. Kahit musmos palang ako nun, ramdam na ramdam ko ang pait at hirap na nakalubog sa lahar.

Di ko halos maisip na mabubuhay pa kami nung araw na iyon,  halos wala kaming naisalba na mga gamit, o damit man lang na pamalit, kung ano ang suot namin nun yung lang ang nadala namin. Halos nga mamatay kami sa ginaw dala ng may bagyo pa nun.

Nag-lakad kami sa Bacolor hanggang Betis Guagua Pampanga, Yung nanay ko nalubog na sya sa lahar hanggang beywang, hinihila namin sya pero di namin sya mai-angat. Pero may isang Bata na may hawak na tungkod mga 4-5 years old siguro yun, pero laking gulat namin ng sya lang ang nag-angat sa nanay ko. Kaya nyang alisin sa pagkakalubog sa lahar ang nanay ko.  Di namin lubos na maisip na kaya nyang iahon ang nanay ko.

Sa oras pala ng sakuna may himala na mangyayari na di mo lubos na maipapaliwanag, alam natin di lahat naniniwala sa Himala! Pero kung sayo, o sa iba nangyari yun tiyak maniniwala ka.

Nagpalipat-lipat kami ng Evacuation , napunta kami sa Guagua, Nilakad namin ang Lobog na daan na hangang dibdib ko siguro nung bata ako. Karga-karga ako ng tatay ko, kaso di nya ko nakayanan, Buti nalang yung kakilala ng tito ko kinarga ako. Wala kami nung makain sa Betis sa isang eskwelahan yun. Buti Nalang may katrabaho tatay ko dun, hinatiran kami at binigyan ng masusuot. Yung mga kapatid ng nanay ko nag kahiwahiwalay sila. Awang-awa ako sa mga magulang ko nun, di ko halos  maipinta lungkot sa mga mukha nila.